We came across this lengthy message on Facebook posted by a certain Baltazar Cantiller, an ex-convict, for "It's Showtime" host Vice Ganda.
It reads:
Very inspiring, isn't it? Will it get a response from Vice Ganda?
It reads:
Dear Miss Vice Ganda
Gandang Gabi Vice
c/o ABS-CBN Network
I would like to inspire people. Just like you, who inspire so many people, not only here in our country, but even abroad. You are not just an inspiration; but a great influence to multitudes.
of the new generations of today. I am an ex-Convict; yes, literally a former inmate-prisoner for 17 years in the New Bilibid Prison, Bureau of corrections, Muntinlupa City.
My name is BALTAZAR SEVERO A. CANTILLER; 48 years old; of 9-27 Andalucia Street, Eroreco, Bacolod City, Philippines. I was once convicted to a crime of Kidnapping with Murder; and been sentenced to "Reclusion Perpetua" or Life Imprisonment. And for 17 years, from May 25, 1992 to May 7, 2009, the New Bilibid Prison of Muntinlupa City was my home.
Lumaki po ako sa maayos na pamilya. Pinag-aral kami ng aming mga magulang. Pangatlo ako sa limang magkakapatid. Prior to my imprisonment I graduated from college in Bachelor of Arts major in Economics. At dahil po sa katigasan ng ulo, at suwail sa mga magulang, ako ay naligaw ng landas.
Sa loob ng kulungan, akin natagpuan ang tunay na kalayaan. Ito ang kalayaan Espirituwal na akin isinuko ang akin buhay sa ating Panginoon. Ang akin dating Prison Number ay N93P-0248. (I am giving you this information about my Prison Number N93P-0248, so that your staff can verify it at the Document Section of the Bureau of corrections, Muntinlupa City; that I am telling you the truth.)
Since I surrendered my life to God, dahan-dahan ko napagtagumpayan ang ibat-ibang pagsubok sa akin buhay sa tulong ng Panginoon. Sa loob mismo ng Bilibid Prison, ako ay nabigyan pribilihiyo upang makapag-turo as an Inmate-Teacher sa Muntinlupa National Extension High School. Isang Inmate-Teacher para sa mga kapwa kong bilanggo na nais makapagtapos ng pag-aaral (at ito ay isang programa ng Bureau of Corrections sa rehabilitasyon ng isang nakakulong).
Dahil sa panalangin, biyaya ng Diyos, at tulong ng mga tao na naniniwala sa tunay na pagbabago, akin nakamit ang akin kalayaan physical noong May 7, 2009. Hindi po madali ang akin buhay pagkatapos kong makamit ang kalayaan. Maraming pagsubok na naranasan. One of these trials was the rejection of my former friends, and even relatives. I was discriminated and humiliated in my searching for a job para mabuhay ng may kaayusan at makatulong sa pamilya. Sa tuwing ako ay mag-a-apply ng trabaho, ang requirements po ay Fresh Graduate, 22 to 25 Years Old, with Pleasing Personality, and above all - HAS NOT BEEN CONVICTED OF ANY CRIME.
Isa sa pinakamalaking unos sa aking buhay ay ang pagpanaw ng akin Nanay, 4 months after I was released from Prison. Noong September 2, 2009, ang Nanay ko (kaisa-isang tao na naniniwala na ako ay may bagong pag-asa) ay namatay dahil sa Hypertension at Multiple Stroke. Ang Tatay ko po ay unang namatay noong January 20, 2008 habang ako ay nasa loob pa ng Piitan. Dahil sa pagkamatay ng akin mga magulang, mas lalong kong pinagtibay ang akin loob tungo sa kaayusan ng akin buhay.
An opportunity was open for me to apply abroad. At sa biyaya ng Diyos, ako ay nakapagtrabaho bilang Computer Operator at Administrative Assistant sa Saudi Telecom Company noong February 24, 2013. Natanggap ako sa akin application; at may maliit na sahod sa 1,200 SAR/month or equivalent to around P12,000/month. Isang biyaya ng Diyos upang mapagsimulan ko muli ang akin buhay at makatulong sa akin pamilya.
Doon sa Saudi Arabia, ako ay na diagnosed na may Hypertension at sakit sa puso. Siguro dahil sa may edad na (48 years old - Janaury 6, 1967), at sa mainit na disyertong lugar ng Saudi Arabia, ang normal ko na Blood Pressure reading at 150/130. Because of this reason, I decided to go Exit and finished my 2 year contract. Umuwi ako dito last March 26, 2015 sa Bacolod after serving my 2 years contract. Alam ko na dahil sa akin kalagayang-kalusugan, medyo may kahirapan na akong makapag-apply muli sa kung ano man trabaho sa abroad.
Doon po sa Saudi Arabia, isa akong TFC Subscriber. Sa katunayan minsan ay ako na-i-featured sa Programa ni Ma'am Dimples Romana sa TFC Connect. Ito po ang link: https://www.youtube.com/watch?v=MV4oTAZfkk0. Noong ako ay sa loob ng New Bilibid Prison, ako po ay na-i-featured din po sa Rated K ni Ma'am Korina Sanchez noong September 2007.
Sa pamamagitan ng iyong tanyag na programa "Gandang Gabi Vice." nais ko rin po sanang ipaabot bilang inspirasyon sa mga dating kasamahan ko sa loob ng piitan, na habang may buhay, may pag-asa. Huwag tayong mawalan ng pag-asa upang magbago, maituwid ang atin landas, makabangon at makaahon mula sa madilim na buhay tungo sa liwanag. Hayaan natin kahit ano pa ang sasabihin ng ibang tao, basta mamuhay tayo ng malinis at sa katotohanan - magpakatotoo.
Sana, Miss Vice Ganda, sa pamamagitan din ng iyong programa "Gandang Gabi Vice," atin maabot ang puso ng atin Pamahalaan, so that our Government can initiate programs to eliminate discrimination sa paghahanap ng trabaho, sa sex, babae, lalaki, bakla o tomboy; sa edad; at sa katayuan tulad ng isang Ex-CONVICT.
Miss Vice Ganda, sana po matulungan ninyo rin po ako ng isang maliit na "Sari-Sari" o Variety Store at Bigasan para makapagpatuloy po ako sa pagtulong sa akin pamilya at sa iba pang tao. Akin din po pinapanalangin na isang araw, ako ay magkaroon ng isang Second-Hand Taxi. Alam kong malapit mong kaibigan si Ma'am Kris Aquino. Sana matulungan niya po ako nito.
Thank you po Miss Vice Ganda. I will always included you in all of my prayers that you will continue giving inspiration to many more people. God richly bless you always.
Truly yours,
BALTAZAR SEVERO A. CANTILLER
9-27 Andalucia Street, Eroreco, Bacolod City 6100
Mobile Number: 09982507098
Email Address: baltazarcantiller1967@gmail.com
Very inspiring, isn't it? Will it get a response from Vice Ganda?