Audio, Excerpts From Hostage-Taker’s Last Interview

The audio recording and excerpts from police senior inspector (captain) Rolando Mendoza's last radio interview have been made available on news and social networking sites. These instruments answer the question as to who was/were talking to the hostage taker by phone before he shot the victims.

This is the audio recording of the exclusive live radio interview between Radyo Mo Nationwide (RMN) anchormen Michael Rogas and Erwin Tulfo and captain Rolando Mendoza moments before the latter opened fire at the Hong Kong nationals on August 23 inside the Hong Thai tourist bus at the Quirino grandstand.


Highlights of the interview:
MICHAEL ROGAS: Captain Rolando Mendoza, magandang gabi po sa inyo...

CAPT. ROLANDO MENDOZA: Magandang gabi po

MICHAEL: Si Michael Rogas po to ng RMN, kayo po’y hostage-taker tama po ba?

MENDOZA: Tama po.

MICHAEL: Sa pagkakataong ito ano po ba ang plano nyo?

MENDOZA: Eh totoo me magandang balita na yung aming demand ay dala ni vice mayor, meron tumawag sakin na dala na ni vice mayor at any time eh iaabot na sa kin ay malalaman natin at kung kanyang dala

MICHAEL: Ah ilan pa po ang hawak ninyo sa mga oras na ito na mga tao?

MENDOZA: Ah 15 po sila 15 pa Chinese national

MICHAEL: Pag natanggap nyo po ba ang hinihingi nyo pakakawalan nyo na po ba sila?

MENDOZA: Ah hindi pa kasi me demand pa akong kasi kung pabor sakin yung magiging desisyon at sasabihin na mali sila eh di ang akin naman, kuwan, eh yung aking magiging security naman.

MICHAEL: Opo

MICHAEL: Ah ok, ano pa po ang mga hinihingi nyong demand maliban po dun sa pagwawalang sala sa kaso dyan po sa Ombudsman? Ano pa po maliban po sa security at mga pangyayaring ito?

MENDOZA: I want to see the order of the NCRPO restoring me to full duty status and can be of back wages na hindi nila ibinigay sakin during na ako’y nagtratrabaho naman."

DRIVER: Dala na po ang papeles galing sa Ombudsman, natanggap na ang papel, binabasa na ni Capt. Rolando Mendoza

MICHAEL: Kapitan, pwede po nating basahin sa ere yung nilalaman yung pong sulat sa inyo ng Ombudsman?
Ombudsman’s letter

MENDOZA: From the office of the Ombudsman; Police Insp. Rolando Mendoza, Manila Police District, UN Avenue, Manila

Dear Captain Rolando Mendoza,
As per our conversation this afternoon, I hereby confirm that I shall personally review in your simple reconsideration that you have filed in your case at the moment the record of the case at the lawyer whom that I have assigned to take the pre-slip in do case, I shall require him to tell haven’t the to whom record to the case. I hope you take my word for that, I thank you for understanding my position as I??? understand your.. basura sa’kin ‘to, basura itong sulat na ‘to, ‘di ito, ‘di ito ang kailangan ko.

MICHAEL: Ok, ano po ang plano nyo, yan di po pinagbigyan ang....

MENDOZA: Basura to sakin, di ito ang kailangan ko. Ang kailangan ko ay desisyon nila, reversing or not reversing. Yun lang yung thank you for the effort of the mayor and the vice mayor, di ko kailangan yang sulat ng yan sir.

MICHAEL: Ano po ang plano nyo ngayon, ano po ang gusto nyo?

MENDOZA: Walang nilalaman yan eh, walang ibig sabihin nun, wala walang ibig sabihin nyan sir. Ang sinasabi nya lang paiimbistiga nya, eh kung ganun din wala din mangyayari dyan, wala sir. Wala sa kin ang papel na yan kapag yung sinabi nya yan dismiss na talaga, walang mangyayari dyan sir.

MICHAEL: Kapitan, ano po ang plano nyo ngayon?

MENDOZA: Ito, sasampulan ko to sir, tabi, magsialis kayo... di ko kailangan yan sir, walang sinasabi yan ...ikaw abogado ka... walang nilalaman yan"

MENDOZA: Nakikita ko ang sitwasyon, bakit ginaganyan nila ang mga kapatid ko? Wala namang kinalaman ’yan. Ito kapag hindi nila binago ’yan, tutuluyan ko na ’yang mga nandito sa loob. Tutuluyan ko na ’to. Kapag hindi sila nagbago.

MICHAEL: Easy lamang po. Easy...

MENDOZA: O, e nakikita ko, binibitbit nilang parang baboy ’yung pulis, hindi naman ’yan kasama rito... Ito, magpaparinig ako ng isang putok, baguhin nila. Baguhin, baguhin nila ’yan… Mali ’yang ginagawa nila na ’yan.

MICHAEL: Sandali lamang po, kalma lamang po tayo, Captain, Capt. Rolando Mendoza...
MENDOZA: O, ayan, ginagawa nilang baboy ’yung kapatid ko, ayan o.

MICHAEL: OK. kalma lamang po, Captain, Capt. Rolando Mendoza, kakausapin po natin ang PNP. Tawagan natin ang PNP para sa....

Release him, or else...

MENDOZA: Pakawalan nila ’yang kapatid ko kung hindi magbabaril ako rito ng isa.
MICHAEL: OK. OK, kinakausap na po namin ang pulis, Captain, Capt. Rolando Mendoza. Kalma lamang po tayo, ano po.

MENDOZA: O, e ’yung kapatid ko, nakikita ko, bakit nila ginaganyan ’yan, ako ang may kasalanan dito. Walang kasalanan ’yan. Walang kasalanan ’yan, ipakita ninyo na pinakawalan ninyo ang mga kapatid ko. Ipakita nila, kapag hindi, titirahin ko ’yung mga nandito sa loob... Sabihin mo sa kanila... Sabihin mo sa kanila ’yan!

MICHAEL: Opo, tinatawagan na natin.

MENDOZA: Ipakita nila ’yan, ipakita nila dito sa kaliwa makita ko sa kaliwa ng bus, palakarin nila ’yung mga kapatid ko diyan, pagka hindi, ito talagang ano, halo na rito, lahat-lahat.

MICHAEL: Opo. Tinatawagan na po namin ang PNP... Easy lamang po ha. Easy lamang po tayo...
MENDOZA: Walang kasalanan ’yang mga kapatid ko. Hindi nila alam ang pangyayaring ito.
MICHAEL: Opo. Kalma lang po tayo at kami po’y nakikipag-ugnayan sa PNP. Humuhupa na rin naman po iyong mga pulis, ano po.

MENDOZA: Ayan o, binibitbit ’yung kapatid kong pulis, walang kasalanan ’yan, bakit nila bibitbitin ’yan. Sasabihin nila, accessory, hindi accessory ’yan, ako lang mag-isa ang gumawa nito.

MICHAEL: Captain, Capt. Rolando Mendoza, sandali lang po ha. Tayo po ay kumukontak na sa PNP para po huminahon rin po ang PNP sa pagkakataon pong ito, ano po.

MENDOZA: Ayan o, nakikita ko. Nakikita ko ’yung ginagawa nila sa kapatid ko, ayan o. O, ginuyabit o. O e, pulis ’yan e. Walang kasalanan ’yan. Walang kasalanan ’yan. Pakawalan nila ’yan. Pagka hindi, ito babarilin ko itong nasa unahan, sabihin mo sa kanila."
Full excerpts here.