Ogie Diaz' open letter to 'networking people' goes viral

The open letter of Kapamilya star Ogie Diaz to networking people, who take selfies beside luxury cars they do not own, has gone viral.

On Monday, August 29, the "Born For You" supporting actor posted the following on Facebook:

Dear Networking people, lalo na dun sa mga nagpo-post ng mga naipundar daw nilang magarang sasakyan (like Porche or Ferrrari or Maserati)....

Yung rehistro niyan na nakapangalan mismo sa inyo ang ipakita nyo, wag yung sume-selfie lang kayo katabi ng sasakyan para mas maniwala yung mga prospect downlines nyo na kayo ang rightful owner.

Magkano rin yan? Milyon-milyon ang halaga. So yan ba talaga ang una nyong bibilhin o ipupundar sa milyones na kinikita nyo para i-post at engganyuhin ang mga taong sumali na sa networking?

Di ba mas maganda kung house and lot or condo ang ipinupundar nyo at di yang mga sasakyang yung iba'y nagpa-selfie lang na kunwari ay kanila ang kotse?

Unahin nyo ang bahay dahil mas nag-a-appreciate ang value nyan yan kesa sa sasakyan. Nang sa ganon, ma-inspire nyong mag-join ang mga tao dahil magkakabahay sila, hindi magkakaroon agad ng magarang tsikot.

At please, tip lang sa ibang nagyayabang na yumaman sila sa networking lang, utang na loob, pag mag-iimbita kayo ng mga prospect, manlibre, kayo huwag sa coffee shop na kape lang ang iti-treat nyo.

Dun nyo dalhin sa fine dining para mas ramdam nilang totoo nga ang sinasabi nyong yumaman kayo diyan sa networking. Pakainin nyo ng steak, wag yung dinala nyo lang sa fastfood eh kayo tong nagpe-press release na mayaman na kayo di ba?

O don't get me wrong, networking people, ha? Tulad na rin ng lagi nyong tanong....

Openminded naman siguro kayo, di ba?

So sino gustong maging downline ko? #Charot


Two days later, Ogie posted an advice for successful networking people especially those who are fond of posting pictures of themselves holding checks and cash on social media:

Sa mga nagtagumpay sa networking business, lalo na dun sa post nang post sa fb ng mga kinikita nila, stop posting your cheques na nakuha nyo bilang komisyon.

At wag nyo nang gawing pamaypay ang daan-daang 1k bills para manakam, dahil sa fb, pwede kayong mabiktima ng mga gago at maging mitsa pa yan ng buhay nyo.

Mahirap talaga sa networking. Kailangan mong ipangalandakan ang mga kinita mo sa fb para lalo ka pang kumita.

Haaay...

The actor-showbiz news anchor's Facebook posts have drawn mixed reactions, with some "networking people" telling him to mind his own business.

What do you think about Ogie's posts?