LBC in hot water after sender lost remittance in alleged inside job

Money remittance service and courier company LBC Express is in hot water after a sender lost his remittance in an alleged inside job.

The sister and cousin of Rom Sarmiento Son were not able to take their prelim exams because they failed to pay the tuition fees after someone allegedly claimed the money in Cebu.

The sender narrated the unfortunate incident in a lengthly Facebook post:

I need your help guys!

PLEASE SHARE!!!

August 1, 2016: Nag padala ako ng pera sa LBC Express Robinsons Novaliches ng Php24,720.00 thru LBC Remittance around 5:42PM (indicated sa resibo/perang pambayad ng Tuition ng Kapatid at Pinsan ko para maka-take ng prelim exams) nakalagay din sa resibo yung specific pick-up branch nya. As per LBC Contact Center (8585-999) kapag Php10,000.00 pataas ang ireremit mo, kaylangan daw may specific branch sya dahil kaylangan nila itong pondohan at kung may specific branch ka na nilagay dapat dun lang pwede maclaim yung pera.

Hindi ko muna binigay sa kapatid ko yung Tracking Number dahil medyo late na din naman para maclaim yung pera at maliwanag pa sa silat ng araw na wala dapat akong pagsasabihan ng tracking number for safety ng niremit na pera.

August 2, 2016: 9:33AM may nagtext sakin galing LBCExpress na nagsasabing na claim na daw yung pera sa pangalan ng kapatid ko. Nagulat ako! Napatayo ako agad sa kama at galit na nagiisip na kung paano ito nangyare, tumawag ako agad agad sa LBC Contact Center para magtanong at maliwanagan ako. As per sa nakausap ko, naclaim na nga daw yung pera ko. Tinanong ko kung saan ito na claim, sagot ng agent na sa CEBU daw naclaim yung pera. Agad agad tinawagan ko kapatid ko para itanong kung nasaan ba sya at kung nasa Cebu ba sya. Sagot ng kapatid ko na nasa Las Piñas City lang sya.

Magtataka kayo na bakit 2 messages yung nareceived ko sa magkaibang oras? something na kakaiba. Maiintindihan mo na baka system error kung minuto lang yung difference nila kaso ORAS ang interval nung 2 msg eh. (Screen shot)

After ng call napatakbo ako sa LBC Robinsons Novaliches para iclarify yung nangyari, edi ayun nga daw at na claim ang pera sa Cebu gamit pangalan ng kapatid ko. Tinanong ko yung ng handle sakin na si Jhoanna Jimenez kung paano nangyare at naclaim yun pera. Sabi nakapag provide naman daw kasi ng ID (Postal ID) at may card ng LBC marerelease daw talaga yung pera (ganon kadaling magrelease ng Php24,000.00 ang LBC, walang check check sa system kung tama pa yung lugar o yung taong kumukuha ng pera).

Ipinakita pa sakin yung muka at ID na ginamit ng babae na kumuha ng pera. Agad agad na sinabi ko na hindi ko kapatid yan at matanda na yan sa kapatid ko. Wala din Postal ID yung kapatid ko!

Tinanong ko pa na para saan pa yung nakalagay sa resibo na pick-up branch kung pwede naman pala sya kahit saang branch. Tinanong ko pa kung bakit iba ang sinasabi ng Contact Center at ng Operations.

Bandang mga hapon, gumawa ako ng Demand Letter and Formal Complaint address to LBC Customer Care dated iyon ng August 2, 2016. Pero hanggang ngayon wala pa din update kung ano ano na ba ang nangyayare at kung kelan ito masosolve, kung hindi pa ako tatawag sa contact center nila eh hindi pa tatawag sakin yung naghahandle ng case at ang sasabihin lang nya sakin is UNDER INVESTIGATION pa daw ang kaso.

Anak ng tokwa!! Mag 2 weeks na at same parin ng sinasabing under investigation pa din!!!! (Pauli ulit)
Parang deadma lang sila....

Ngayon, gumagawa na ako ng paraan para masolve itong kaso na ito. Uunahin ko na dito sa social media para naman maalarma ang mga tao na may ganito palang nangyayari sa LBC! At ngayon lang din ko ipinost kasi may pangako sila na gagawan nila ng paraan. Kaso masyadong matagal yung paraan nila kaya ako na gagawa nun at para mas may solusyon. Hirap kumita ng pera ngayon.

Meron tatlong tao bukod sakin ang nakakaalam ng Tracking Number ko. Una, yung Customer Associate ng LBC Robinsons dahil sya yung nagprocess ng transaction ko. Pangalawa, yung Call Center Agent ng LBC, nagcheck kasi ako online para matrack kaso lumalabas is no data something. Ang ginawa ko itinawag ko, tinanong ni Agent kung ano yung Tracking Number para daw maview nya yung record, so binigay ko naman at sabi nya na okay na daw for pick-up yung pera. Pangatlo, arount 10:00PM na ng August 2, nagcheck ulit ako online pero same pa rin na no data. Itinawag ko ulit iyon sakanila para maclarify lang ang lahat.

Kumukuha ako ngayon ng mga papers para kung umabot ito sa legal ay may mga document ako na ipapakita pero walang cooperation ang LBC SM Center Las Piñas at LBC Robinsons Novaliches, dahil ang laging sagot nila sa akin ay "under legal na at hindi na sila pwedeng magreselease ng mga papel kagaya ng letter na nagsasabi na hindi nareceived ng kapatid ko yung pera at hindi na din daw pwedeng picturan yung muka at ID nung babaeng nagpanggap na kapatid ko kasi nasa legal na nga daw"

Sabi pa ng nakausap ko sa LBC SM Center Las Piñas na hindi sila magbibigay ng letter na nagsasabing walang naencash na pera yung kapatid ko kasi daw baka gamitin ko yun laban sakanila, sa LBC. (Napa wow na lang ako)

Hindi nakapag exams yung kapatid at pinsan ko ng dahil dito! Malaking abala ito dahil ako na nawalan ako pa yung kaylangan gumawa ng paraan para maaksyonan itong issue na ito. Pinagkatiwalaan mo sila ikaw pa naperwisyo!
PERANG PINAGHIRAPAN IPAPANAKAW NG LBC!

BEWARE!! Hindi na safe magpadala ng pera sa LBC!

Totoo naman ang sinabi ng LBC na "Malayo ang mararating ng pera mo" malayo nga talaga kasi from Las Piñas to Cebu ba naman eh.
‪#‎notoLBC‬ ‪#‎LBCExpress‬ ‪#‎LBC‬






Based on his post, the complainant has become impatient as LBC's internal investigation is taking too long.

The remittance company has yet to give a word regarding the incident. Coolbuster.net is willing to post any press release or official statement from them to clarify the matter.