'The untold story of me and Baste Duterte' by Joana Venegas

Fall in love with 'The untold story of me and Baste Duterte', a post written by Facebook user Joana Marie Jarin Venegas that has gone viral.

(Part 1)

The untold story of me and Baste Sebastian Duterte...


ngayon ko lang to isheshare sa inyo please dont hate me, matagal na po itong nangyari, now i am speaking up......

2008, nagbakasyon ako sa davao kasama ang aking mga kaibigan.. nagpunta kami sa napakagandang island. pagdating na pagdating pa lang namin, nagkayayaan na kaming magkakaibigan na maligo kasi sobrang ganda talaga ng tubig!! so habang naliligo kami at nagkakasiyahan, biglang napasigaw na lang ako sa sakit, nasugatan pala ang paa ko kasi may coral reef ako na natapakan..(imagine ang babaw pa lang namin may coral reef na?!) so nagpapanic ako kasi dugo ng dugo yung paa ko, at ang ingay ko talaga kasi sobrang sakit.. ng biglang may lumapit sa amin na dalawang lalake.. "miss ok ka lang?" sabi nung isa.. he was a gentleman. brusko. sobrang bait grabe.. pero syempre deadma lang ako sa charm nya kasi during that time may boyfriend ako. "pare, pakikuha naman yung first aid kit sa bangka para magamot natin si maam" sabi nya sa kasama nya.

natapos na nya gamutin yung paa ko. "uy thank you talaga ha, papano na kung wala kayo dito, baka naubusan na ako ng dugo" (i sounded oa pero wala na ako masabi pa e) "ok lang yun maam, napataon naman na may pinuntahan kami dito ng bestfriend ko. ako nga pala si sebastian duterte, but you can call me baste. at ito naman bestfriend ko, si frankie" so isa isa din kami nagpakilala sa kanilang dalawa. "i assume taga manila kayo" sabi ni baste. "naku hindi, mga taga cavite kami" sagot ko naman.. "ah ganun ba? welcome to davao! sana ma enjoy nyo dito. tara hatid na namin kayo sa cottage ninyo." sabi ni baste. so hinatid nila kami. pero bago sila umalis, he asked me kung pwede ba daw kami ma invite sa bahay nila for dinner.. "don't worry, hindi naman kami masasamang tao. ganito talaga mga davaoeños, mababait sa mga turista" nagkatinginan kaming magkakaibigan, our eyes were asking each other if we will say yes or refuse. so we ended up saying yes. sayang din naman kasi ang libreng dinner. LOL. " okay po maam, may sarili po kaming bangka, pwede naman po sumabay na din kayo palabas ng island.. aalis po tayo ng 4pm kung ready na kayo. kung hindi naman po, pwede naman kami mag intay kahit hanggang 5" sabat naman ni frankie. syempre nahiya kami so we were ready by 4pm. at umalis ng island.

habang nasa bangka kami, nahuhuli ko si baste na tingin ng tingin sa akin! so ako, naiilang ako kasi hindi ako sanay na tintingnan ng ganun kasi di naman ako kagandahan. wala naman pumapansin sa akin normally. swerte ngang nagka bf pa ako during that time. charot! hahaha! pero hindi ko alam pero pakiramdam ko, may crush sakin tong lalake na to.. pero again, deadma lang ako kasi ayoko magkasala sa bf ko. pero ang hirap talaga deadmahin. imagine, topless sya, tapos labas yung abs. sobrang sexy kayang tingnan. tapos gulo gulo lang yung buhok nya, hindi inaayos pero ang sarap nyang titigan.

so dumating na kami sa kanila.. simple lang yung bahay nila. halata mong hindi mayaman, hindi din mahirap. "uy sandali lang ha, kasi hindi pa nailuluto lahat ng putahe, late na kasi ako nakapag advise na maghanda ng dinner para sa ating lahat. pero saglit na lang daw.. i know gutom na kayo at ginabi na tayo." medyo worried nyang sinabi sa amin. syempre kahit super tomjones na talaga kami, sabi namin keri lang naman, makakatiis pa. kahit ang totoo eh namuumutla na labi namin sa gutom hahahaha!

hindi nagtagal, naluto na din lahat ng food. so pinaupo na kami sa mesa. sa mesa talaga pinaupo? hindi sa upuan?! hahah! anyway, ang daming lafannnggg! puro seafoods. paborito ko pa naman yung hipon. nung una pa girl pa ako, nung di ko na kinaya, kumain ako ng bongga. bahala na, kahit nahuhuli ko pa din syang tingin ng tingin sa akin.

patapos na ang lahat kumain ng biglang may matandang pumasok ng bahay. medyo nakakatakot yung dating nya, reminds me of my tatay. parang ang sungit, parang di makangiti..ganung ganun din kasi tatay ko nung malakas pa. tumayo si baste at nagmano sa matanda.. pinakilala nya sa amin "tatay ko nga pala." tapos isa isa nya kami pinakilala. tinanguan lang kami pero hindi pa din kami nginingitian man lang ng tatay nya. tapos darechong pumasok sa kwarto. "naku badtrip yata tatay mo kasi nagdala ka ng bisita, eh ngayon mo lang kami nakilala" sabi ko kay baste.. "hindi, mabait naman si tatay. pagod lang yun madami sigurong ginawa sa munisipyo today." sabi nya.. "ah sa munisipyo nagwowork dad mo?" tanong ko. "oo, mayor sya dito sa davao" sagot nya.. "oh my God! really?" lahat kami nagulat. nagulat in a sense na, sa dami ng politikong nakilala ko ng personal, wala ni isa ang kasing simple ng pamumuhay ng pamilyang ito at kasing low profile nila. so medyo nakaramdam ako ng paghanga sa kanya, kumabaga pogi points sa akin yun e. yung hindi mayabang. simple lang. yun kasi ang gusto ko sa isang lalake..

tapos na lahat kumain, nasa mesa na lang kami at nagkukwentuhan, pinatawag ni mayor si baste sa room nya.. ako naman ay nag cr.. may tao pala sa cr kaya nakatayo lang ako sa may pinto, waiting na matapos yung gumagamit. habang nag iintay, yung room pala ni mayor yung katabi ng cr. narinig ko parang kinagagalitan si baste. something like " ikaw baste, kilala kita. di ka basta mag invite ng babae kung wala kang gusto. iba ang tingin mo dun sa joana e. hindi ko gusto ang dating nya, parang may tinatago. baka may boyfriend yan. baka mapasabit ka pa dyan. tigilan mo yan ha. pag nalaman laman ko lang na push mo yan, naku bahala ka sa buhay mo" nanlake talaga mata ko nung marinig ko yun. naintindihan ko ung dialect nila kasi marunong ako magbisaya. na hurt ako. sobra.. iniintay ko magsalita si baste, pero hindi sya sumagot. finally, nakapag cr na ako.

so natapos ang masayang unexpected dinner with sebastian duterte. hindi ako nagpapahalata kay baste na narinig ko sinabi ng tatay nya. nagpaalam na kami kasi kinabukasan, maaga ang flight namin pabalik ng manila. "ihahatid ko na kayo jo" offer nya. "wag na walking distance lang naman papuntang hostel, dyan na lang naman sa kabilang kanto" (hostel lang kasi nagtitipid kami e haha) sagot ko sa kanya. "ok lang, gusto ko din maglakad lakad para bumaba yung kinain ko, sobrang dami ko nakain e. saka para mas makasama pa kita ng matagal" medyo kinilig ako sa sinabi nya pero hindi tama. so deadma uli. ngumiti lang ako at sinabing "ikaw bahala." un na lang naisagot ko.

habang naglalakd, nauuna mga kaibigan ko, kami ni baste ang magkasabay maglakad. "jo, pwede ko ba makuha number mo? para kung mapadpad kami ng manila, pwede tayong lumabas at kami naman maipasyal mo doon" medyo alangan ako, but i still gave him my number.. kung alam nya lang, wala din akong alam sa manila! hahahaha! pero bahala na. deep inside me, gusto ko pa talaga sya uli makita.. kahit nababahala ako about that feeling kasi nga commited ako sa iba. pinairal ko pa din un kalandian. LOL

we finally reached the hostel. time to say our goodbyes. we hugged each other, as well as my friends. nagpasalamat kami sa kanila. "paki thank you na lang din kami kay mayor ha, nakatulog na yata hindi na tuloy kami nakapag paalam" sabi ko. " ok lang yun, sabihin ko na lang sa kanya bukas". then umalis na sya.

hindi ako makatulog nung gabi na yun, kasi was thinking of him. ang bango bango nya kaya. kahit medyo untidy looking sya fresh na fresh yung amoy. lalakeng lalake yung scent. ay ano ba yan! nagkakasala na talaga ako.. ayoko na. hindi ko na sya iisipin. pero talagang pumapasok sya sa isip ko..

kinabukasan, flight na namin ng manila.. so pumunta na kami ng airport. papasok pa lang kami, laking gulat ko ng makita ko si baste doon! oh my God! sa loob loob ko.. ano ginagawa nito dito? nagkataon lang ba? o pinunthan nya talaga ako? or kami? waaaah. grabe i was so confused..

lumapit sya sakin.. then he just hugged me. so tight. sabi nya.. "joana, alam kong may boyfriend ka.. willing ako mag hintay sayo because i think i love you. totoo pala ang love at first sight. please, tell me, may pag asa ako sayo?"

omg. hindi ako nakasagot.. pero i wanted to say "yes! meron!" but sh*t, papano? may bf nga ako? at mahal ko sya.. pero mahal ko nga ba sya? kasi kung oo, bakit may nararamdaman ako para kay baste?

ang tagal ko pala hindi nagsasalita..

natigilan na lang ako.. ng bigla nya akong halikan. sa harap ng maraming tao, at harap ng mga kaibigan ko.. naiyak ako..

(Part 2)

napaiyak na lang ako.. habang nakalapat ang mga labi nya sa labi ko.

naisip ko.. “Dyos ko, ano ba tong nangyayari? bakit hinahayaan ko to? i should be mad at him for kissing me without even asking if i want to!, pero wala akong lakas para pigilan sya. gusto ng utak kong itulak sya, pero di ko magawa” pero syempre hindi naman nya ako whole day hinalikan. LOL. so in short, magkalapat yung lips namin for approximately 7 seconds. matagal din yon ha!

“sorry jo, nadala lang ako ng damdamin ko. hindi ko kasi alam kung makikita pa kita.. hindi ko alam kung may pag asa tayong dalawa dahil committed ka sa iba.. hindi ko ipinanalangin na magkahiwalay kayo, pero ito ang tatandaan mo.. andito lang ako.. at sa oras na maging free ka from him, hinding hindi ako papayag na mapunta ka pa sa iba” sabi ni baste. medyo maangas yung pagkakasabi nya sa akin. parang confident sya na pag naging malaya ako, pupush ko agad sya! naloka ako. pero instead na mayabangan, or ma dismaya, bakit f n f ko pa? waaaah. grabe, sobrang intense na ng guilt ko.. nagkasala na talaga ako ng tuluyan kasi for the first time, may ibang lalakeng humalik sa akin bukod sa bf ko at hinayaan ko yun.. patawarin sana ako ni william. kailangang aminin ko sa kanya ang lahat ng ito dahil hindi ko kayang dalhin sa kunsensya ko yung mga nangyayari. “hindi ko alam kung anong sasabihin ko ngayon sayo baste. sobrang nagulat ako sa bilis ng mga pangyayari. kahapon lang tayo nagkakilala. at alam mong may boyfriend ako. pero bakit mo ako hinalikan? wala ka bang respeto sa akin?” tanong ko sa kanya. ayaw ko kasi isipin nyang ganung klaseng babae lang ako. easy. i need to show him a little attitude. “hindi naman.. hindi naman sa ganun. ramdam ko lang kasi na may pagtingin ka din sa akin.. sa mga tingin mo sa akin, sa body language mo at pakikipag usap sa akin” sagot ni baste. “well, nagkakamali ka! wala akong pagtingin sayo! hindi ako nagpkahirap magipon para sa trip na to para maghanap ng ibang lalake at basta basta na lang halikan ng kung sino lang! i don’t care kahit duterte o anak ka pa ng mayor!” medyo mataas kong sabi sa kanya pero medyo pigil kasi ayoko gumawa ng super eksena sa airport. sabay walk out. pak!

habang nakapila para mag check in, lumingon ako para tingnan kung andun pa sya. wala na sya. umalis na. may lungkot ako naramdaman kasi i was kinda expecting na hahabulin nya ko. pero he didn’t do it. hindi tama, pero sobrang na sad ako. kaya tahimik lang ako. “uy friend, ok ka lang ba?” sabi ni kendall. “oo naman, ok lang ako. nakakairita lang kasi halikan ba naman ako ng walang kaabog abog? sobrang feeling! bale ba, impressed na ko sa kanya kahapon kasi nga okay naman sya parang napaka gentleman, nagkamali ako” sagot ko. “naku girl hayaan mo na yun, hindi naman namin sasabihin kay william e.” sabat ni paris. “pero ako? aaminin ko sa kanya” sabi ko.

sa bahay ng mga Duterte..

“Oh? saan ka ba nanggaling? ang aga aga umalis ka. kailangan sana yung sasakyan. alam mo naman hindi madami ang sasakyan natin dito. muntik na ako ma late sa meeting ko kanina kasi nag commute na lang ako papuntang munisipyo dahil walang available na sasakyan” tanong ni mayor sa anak nya. “Sa Airport lang po tay. may hinatid lang. pasensya na po kung muntik na kayong ma late. biglaan lang po kasi, di na ako nakapag paalam na gagamitin ko yung avanza” sagot ni baste, “sus, ambot. hinatid mo yung mga bisita mo kagabi no? naulinigan ko kasi na ngayon ang flight nila pabalik ng manila. sebastian, sinasabi ko sayo ha. hindi porke’t may nakikilala kang babae, lahat syosyotain mo na. hindi maganda yung ganoon. mabuti ba kung kasing pogi kita.” may halong pagbibiro ni mayor sa anak. “kidding aside anak, concerned lang ako sayo. alam mo kasi, hindi maganda ang pakiramdam ko sa babaeng yun anak. sa dami ng mga naging gf ko noong araw, alam na alam ko na bumasa ng mga babae. at iba talaga pakiramdam ko sa johana na yan.. sabi ni mayor, “joana po hindi johanna” pagtama naman ni baste sa kanyang ama. “whatever her name is, hindi ako sang ayon. pero buhay mo yan. malaki ka na. basta hindi ako nagkulang ng pagpayo sayo” pagtatapos ni mayor. napakamot na lang ng ulo si baste. “si tatay, hanggang ngayon tingin sa akin ay baby pa.” sa loob loob nya.

nagpunta si baste sa kwarto nya at nahiga. doon nagmuni muni sya.. “syet! bakit ba kasi hindi ako nagpigil? bakit hinalikan ko kaagad sya. nagalit tuloy sa akin.. pero God knows, my intentions are pure.. nirerespeto ko sya. at ngayon ko lang naramdaman to.” kinuha nya ang cellphone at nag simula mag compose ng message para mag sorry kay joana.

"hi joana, this is sebastian. i am extremely sorry for what i did at the airport. i didnt mean to make you feel disrespected. hindi ko din alam kung bakit ko yun nagawa. sana mapatawad mo ako. please. from now on, hindi na kita kukulitin.. i just want to know kung mapapatawad mo ako. sana. sana mapatawad mo ako.. and eventually, maging friends tayo. i just don’t want you out of my life. kahit friend mo lang ako, magiging masaya na ako. please reply as soon as you get my message, lagi kang mag iingat. i will never forget the day that i’ve met you”

“sana magreply sya..” sambit nya.

sa naia terminal 3, lumapag ang eroplano na sinakyan namin.. paglabas pa lang namin ng airport, nakita ko kaagad si william. sya kasi ang sundo ko. bago ko sya nilapitan nagpaalam muna ako sa mga friends ko dahil may kanya kanya kaming sundo.. “bye girls, see you soon na lang uli, thank you ha! i had fun! sobra!” sabi ko sa kanila, sabay yakap and beso. then dali dali ako pumunta kay william at yumakap.. “hi bebe!” bati ko kay william. “bebe ko! namiss kita!” sagot naman nya sabay halik sakin. pero pag halik nya sa akin, Oh my God!!!!! nag flashback sa akin yung mukha ni baste habang hinahalikan ako ni william. napangiwi na lang ako ng bahagya. “sooooo!!! how was your trip? did you enjoy it?” tanong ni william sa akin. “yeah, ok naman. ganda sa davao. you should travel there next time too” medyo may lungkot yung boses ko, nawala yung excitement. “what’s wrong baby?” tanong nya. “wala. wala naman. napagod lang siguro ako kasi wala kami masyadong tulog” sabi ko nalang.

habang nasa byahe pauwing cavite, tahimik lang ako. bumabalik balik sa isip ko yung paghalik sa akin ni baste. hindi ako makaramdam ng tunay na galit sa ginawa nya. instead, namimiss ko pa! "hay naku joana! ano ba yan! ano ba yang ginagawa mo! maguilty ka naman sa mga iniisip mo!” pag sesermon ko sa sarili ko. frown emoticon naisipan kong buksan ang cp ko. pinatay ko nga pala kanina during our flight. pagbukas ko, laking gulat ko ng mabasa ko yung message ni baste. nanlake ang mga mata ko nung makita ko pa lang ang name nya, sakto naman na napalingon sakin si william. “oh, bat nagulat ka? sinong nagtext?” tanong nya. “wala. nagulat lang ako kasi nag check ako ng balance, below 20 agad eh di ko naman ginagamit” pagsisinungaling ko. syet! nagsinungaling na naman ako. i really need to confess as soon as possible. hindi ko na kayang magsinungaling pa ng mag sinungaling sa kanya.

finally, pagkatapos ng mahabang byahe, nakarating na kami sa bahay namin sa cavite. “yehey! mommy’s finally here!” salubong sa akin ng anak ko. yes. may anak ako. he is 4 years old. i am a single mom, pero hindi ako kasal sa daddy ng anak ko who i’ve been with for 4 years. iniwan na lang ako ng daddy ng anak ko when he found out that i was pregnant. anak ko na si drei ng maging boyfriend ko si william two years ago.. sya na din ang halos tumayong ama ni drei, my baby knows that william is not his father though. drei calls him “tito”.“where’s my pasalubong mommy?” tanong ng anak ko.. “kiss muna bago ang pasalubong,” nakangiti kong sabi sa baby ko. he kissed me, and i gave his pasalubong. haaay! gumaan ang loob ko for awhile. mamaya na lang uli ang pressure. after dinner kakausapin ko na si william at sasabihin ang lahat ng nangyari.

pagkatapos ng dinner.
“bebe, can we talk?” kinakabahan kong tanong sa kanya. “sure, tungkol saan? at sinalaysay ko sa kanya ang mga pangyayari. tinanong nya ako kung ano daw ang naramdaman ko.. at inamin ko din sa kanya, hindi na ako nagsinungaling pa. lahat ng naramdaman ko, sinabi ko sa kanya, wala na akong tinago pa. “then we have a serious problem” sagot nya. sobrang bait nya talaga. kung sa iba lang ito, baka nagwala na. lalo tuloy ako pinapatay ng guilt ko.. ang sama sama kong babae!!!!!!! hindi pa ako tapos pagalitan ang sarili ko ng bigla nyang dinugtungan nya.. “we have a serious problem, cause i also cheated on you”

parang tumigil ang daloy ng dugo ko sa mga ugat ko.. nanlamig ako at feeling ko talaga namutla ako. “ano? sinasabi mo lang ba yan para masaktan din ako?” paninigurado ko. “ no, joana. i’ve been cheating on you for the past 4 months. i am so sorry. pinilit ko naman iwasan sya pero hindi ko talaga magawa. i didnt wanna hurt you. at hindi ko alam kung papano ko sasabihin sayo” sabi nya in a very low tone of voice.

ang sakit. sobrang sakit pala. nakaka p&%($*#(!!!!!!!… halos patayin ako ng kunsensya ko sa mga nangyari between me and baste.. tapos sya pala 4 months na akong ginagago? 4 freakin months?! i am pretty sure hindi lang halik ang nangyayari sa kanila!! asan ang hustisya? that very night, we agreed to end up our relationship. hindi ko talaga inaasahan na ganun pala ang magiging twist. ako pala ang iiyak ng malala! sobrang sakit kasi feeling ko ang tanga tanga ko not to notice that he is having an affair for the past 4 months. ganun kalaki ang tiwala ko sa kanya e.. hindi ko alam kung nasaktan ako dahil mahal ko sya, o dahil nagmukha akong tanga.. but surprisingly, deep inside my heart i felt peace and happiness matapos kong iiyak halos buong magdamag ang mga nangyari.. hindi ko namalayan nakatulog na pala ako..

minabuti kong wag na muna sagutin si baste sa message nya. i preferred not to talk to him, or let him know na nagkahiwalay na kami ni william. i don’t want him to think na william and i broke up because i’ve met him. saka hindi pa ready ang puso ko. i like him pero i don’t think na ready na uli ako agad agad to start a new relationship, kahit maging friend nya lang, ayoko muna. pinanindigan din naman nya na hindi na nya ako kukulitin. so ok na siguro yun. hindi yata talaga kami para sa isa’t isa.

“Pare, ano? sumagot na ba sayo si joana?” tanong ni frankie kay baste, habang nag wowork out silang sabay sa gym. “hindi pa nga pre e. nagalit na yata talaga ng tuluyan sa akin. mag iisang linggo na, hindi pa din sya sumasagot. ayoko mangulit kasi sinabi ko sa text na hindi ko na sya kukulitin, unless tatanggapin nya ako biglang kaibigan nya” pag amin ni baste kay frankie. “Labo mo naman kasi pre, hinalikan mo kaagad! sa harap pa ng maraming tao, either napahiya sya or talagang hindi sya ganung klaseng babae. ano ba gusto mo talaga sa kanya? for fun lang ba yan? sus, madami naman dyan. dami dami naghahabol sayo e. bakit di mo na lang tuluyan si brianna? maganda naman yun, sexy and smart! kung sakin lang nagkagusto yun hindi ko na yun palalagpasin pa.” sabi ni frankie na may halong panghihinayang. “alam mo pare ko, minsan, kahit anong gwapa/gwapo at kahit nasa kanya pa lahat ng magagandang katangian, kung walang spark, wala talaga. hindi mo pwedeng ipilit. hindi ko naramdaman sa kanya yung naramdaman ko nung una ko pa lang makita si joana. iba pare e! lakas talaga ng dating nya sa akin.. yung mga mata nya, parang madaming nakatagong lungkot, kwento, pagmamahal. hindi ko maexplain. na inlove yata talaga ako sa kanya pare. i told her that sa airport. that i love her at na love at first sight ako sa kanya. i really didnt mean it when i told her that. pero ngayon, parang na rerealize ko na talaga na ganun na nga un nararamdaman ko” mahabang pag explain nya kay frankie. “ah ewan ko sayo baste. Goodluck na lang, sana sumagot pa sya sayo” pagtatapos ni frankie.

lumipas ang halos limang buwan.. wala talagang namagitang communication between me and baste. naiisip ko sya minsan. oo. pero dahil one time ko lang naman sya nakasama for a couple of hours, hindi sapat yun para mahirapan akong kalimutan sya. sa makatuwid, kahit naiisip ko sya minsan, wala naman ako na feefeel na kahit ano. pero ewan ko ba today, naisipan kong i search sya sa facebook uli. dati kasi lagi ko sinusubukan hanapin sya sa facebook, pero hindi ko sya makita. wala naman ako ibang alam na name nya kundi, sebastian duterte. i tried baste duterte, basti duterte, at kung ano ano pa, pero di ko talaga sya makita. but today, naisip ko uli i search sya by his name again.. at biglang lumabas na may picture nya! bumilis yung pintig ng puso ko kasi nakita ko na naman ang napaka gwapong mukha nya. mas lalo syang pumogi. mas naging matikas yung katawan nya.. yung hair nya na maintain nyang ganun lang.. oh my God. kinilig ako ng makita ko uli sya.. pero teka.. sino yung kasama nyang babae sa profile picture nya? shocks. my Gf na pala sya.. should i send him a friend request? i checked his profile, hindi pa naman sya in a relationship.. or baka naka private lang.. who knows? hmp! bahala na. wala naman ako ibang intensyon e. invite ko na to..
friend request sent.

Please note that this "untold story" is fictional. Some of those who read the story said it should be published on Wattpad.

Part 1 (27,000+ likes and reactions, 8k+ shares) was Joana's dream and part 2 (2,000+ likes and reactions, 600+ shares as of Tuesday afternoon) is just a product of her imagination. She promised to write the third part of the story and publish it when done.